Bulacan Forums
Welcome, Guest
Please Login or Register.    Lost Password?
matanda ka na kung..... (1 viewing) (1) Guests
Go to bottom Post Reply Favoured: 0
TOPIC: matanda ka na kung.....
#3139
jamcruz (Admin)
Admin
Posts: 435
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
matanda ka na kung..... 2 Years, 8 Months ago Karma: 4  
Matanda ka na kung…
kung ayaw mo nang sumama sa mga bata.
kung ang lahat ng kasu-kasuhan mo ay tila masakit.
kung ano ang hindi masakit ay ayaw ng gumalaw.
kung alas-kuwatro pa lamang ng umaga ay gising ka na.
kung ang tinitingnan mo sa pagkain ay ingredients.
kung binibilang mo ang calories o fats ng iyong pagkain.
kung tumatanda na ang mga anak mo.
kung nag-enroll ka sa fitness gym, pero hindi naman nagpupunta.
kung nakakalimutan mo ang susi mo sa kotse o sa loob ng bahay.
kung alam na alam mo naman ang lahat subalit walang nagtatanong saiyo.
kung pinapatay mo ang ilaw hindi dahil sa ikaw ay malambing kundi dahil nagtitipid ka ng kuryente.
kung nagliliwanag na ang iyong bumbunan.
kung ayaw mong maniwalang may guhit na ang noo mo.
kung ang kati-kati ng likod mo subalit hindi mo makamot dahil hindimo maabot.
kung sa pagyuko mo ay lumalagutok ang iyong likod.
kung ipinauulit mo ang pangalan ng bago mong kaibigan.
kung hindi mo na pinaghahandaan ang susunod mong kaarawan.
kung inaaway ka ng asawa mo sa araw ng kanyang kaarawan.
kung nakalimutan mo na ang anibersaryo ninyo ng asawa mo.

kung nakakalimutan mong i-flush ang banyo pagkatapos mong gamitin.
kung nakakalimutan mong itaas muli ang iyong zipper pagkatapos mong gamitin ang banyo.
kung ang paborito mong bisita ay ang iyong duktor.
kung ang pinakaayaw mong bisita ay ang health insurance company.
kung natutuwa kang magbasa ng legend stories o nanonood ng history channel.
kung ang paborito mo pa ring artista ay laos na.
kung ang kaparis ng iyong medyas ay kulay pula.
kung may salamin ka na ay hindi pa rin makakita.
kung nakakalimutan mo na ang birthday ng iyong biyenan.
kung si Jaworski pa rin ang paborito mong basketbolista.
kung naiinip ka na sa harapan ng stop lights.
kung dumidikit ang iyong ngipin sa malagkit mong pagkain.
kung sa pagdarasal mo ay nauuna ang Amen sa Ama Namin
 
Report to moderator   Logged Logged  
 






"it is never too late to become what you might have been..."
  The administrator has disabled public write access.
#3143
sexy_back0401 (User)
Gold Boarder
Posts: 669
graph
User Offline Click here to see the profile of this user
Re:matanda ka na kung..... 2 Years, 8 Months ago Karma: -1  
bata pa ako
 
Report to moderator   Logged Logged  
 
The few hours I spend with you are
worth the thousand hours I spend without you!

  The administrator has disabled public write access.
#3154
Adonis (User)
Senior Boarder
Posts: 152
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
Re:matanda ka na kung..... 2 Years, 8 Months ago Karma: 1  
ala p nman aq dyan hehehe
 
Report to moderator   Logged Logged  
 


  The administrator has disabled public write access.
#3312
shikhei (User)
Junior Boarder
Posts: 61
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
Re:matanda ka na kung..... 2 Years, 5 Months ago Karma: 0  
Hmmm..Nasa kalendaryo pa naman ang edad ko..

dagdag ko lang..

Matanda ka na kung ang mga kaibigan mong chikadora eh mga matatanda na rin..
Matanda ka na kung ang kung ang katabi mo sa pagtulog matanda narin..
..waaaaaaaaaaaa
 
Report to moderator   Logged Logged  
  The administrator has disabled public write access.
#3330
dico (User)
Junior Boarder
Posts: 36
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
Re:matanda ka na kung..... 2 Years, 5 Months ago Karma: 0  
Pag may mga nadidinig ako na mga songs na di familiar sa akin tapos sasabihin nila na dati na yung mga songs na yun! Nasasabi ko sa sarili ko na "Tumatanda ka na kasi Dico!"

 
Report to moderator   Logged Logged  
  The administrator has disabled public write access.
#3349
shikhei (User)
Junior Boarder
Posts: 61
graphgraph
User Offline Click here to see the profile of this user
Re:matanda ka na kung..... 2 Years, 5 Months ago Karma: 0  
waaaaaaaa...nasabi mo na yan?

whew..tumatanda ka na ba talaga?

ang alam ko kasi kalabaw at edad lang ang tumatanda..hahaha
 
Report to moderator   Logged Logged  
  The administrator has disabled public write access.
Go to top Post Reply
Powered by FireBoardget the latest posts directly to your desktop